a_flower_blooms ([info]a_flower_blooms) wrote,
  • Mood: malungkot ako...
  • Music: love always finds a way when d clouds have no silver lining

PARA SA IYO...

Akala mo ba’y mababa ang tingin ko sayo?

HINDI.

Ayaw lang kitang saktan. Di ko pa kasi sigurado sa sarili ko kung talagang napakawalan ko na ang pakiramdam na ito e. Ayaw kong magsimula ng isang bagay na di ko alam kong kaya kong panindigan. Ayaw kong magpaasa ng isang tao kung may pagkakataon na baka masaktan ko lang sya sa huli. Ayaw kong sabihin sayo na mahal kita kung di ko alam sa sarili ko kung totoo ba yun. May karapatan kang maging masaya. May karapatan kang mabuhay nang ayon sa gusto mo. May karapatan kang mahalin ng isang taong karapag-dapat para sa iyo. Hindi ko alam kung ako yun. Kaya di ko pipigilan kung aalis ka at maghahanap ng kaligayahan sa iba. Lalo na’t alam kong baka di ko maibigay yun sayo. Di dapat tumigil ang mundo mo dahil sa akin. Mabuti kang tao. May magandang kalooban. Karapat-dapat mahalin ng isang taong tapat at totoo. Sana kaya kong ibigay yun sayo. Sana kaya kong tapatan lahat ng binibigay mo sa akin. Kung di lang ako nagmahal noon. Kung di ko lang sya mahal hanggang ngayon. Susubukan kitang mahalin. Ibigay ang lahat sayo. Maging karapat-dapat para sayo.

Patawad. Nasasaktan rin ako kapag nasasaktan ka. Alam kong baka pagsisihan ko to sa huli. Pero di ko isasakripisyo ang kaligayahan mo para lang may masabi na may nagmamahal sa akin. Kung alam mo lang kung gano ko gustong ibalik sayo lahat ng binibigay mo sa akin. Kaya lang minsan di ko pwedeng pilitin e. Baka masaktan lang kita.

Baka sa susunod pwede na. Kung libre pa rin tayong dalawa. Baka sakaling pwede na.

  • Post a new comment

    Error

  • 0 comments
Create an Account
Forgot your login or password?
Facebook Twitter More login options
English • Español • Deutsch • Русский…